Where Do Broken Hearts Go?

A view from one of the resorts in Lake Sebu
Broken-hearted ka ba? Iniwan? Nang-iwan? It's complicated? Magulong usapan? Give yourself a break at mag-muni-muni. Travelogues gives a round-up of 10 Philippine destinations where you can think, reflect, and yeah, mend your broken heart if need be. Tara!

Anda, Bohol
Sa Panglao Island ba ang unang out of town trip n'yo together? Nag-holding hands while walking (at pa-sway-sway pa) ba kayo sa Alona Beach? And you intend to go back to Bohol on your first anniversary? So you booked the tickets ahead na (bilang may seat sale kasi, sayang naman!)...kaso...something happened in between and boom, the two of you broke up at hindi na umabot sa supposedly "anniversary" complete with dinner by the beach? Don't fret! Use your ticket, travel alone, and head off to Anda, a quiet coastal town in eastern Bohol.

Talisay Beach is perhaps the most serene and deafeningly quiet beach in Anda. Kung gusto mong umiyak, mag-emote sa dalampasigan, go! Kung gusto mong sumigaw at the top of your lungs, push! Walang pipigil sa'yo. Kahit mag-sunbathing ka maghapon, walang kokontra. As a sweet bonus, priceless ang views dito. Promise!

Talisay Beach, Anda, Bohol


Cauayan, Negros Occidental
So gusto mo talagang magpakalayo-layo. As in? Yung tipong nawawalan na ng signal on the way to your destination? Yung nakailang tulog-gising-tulog ka na sa bus pero...nasa bus ka pa din? Check out Punta Bulata White Beach Resort and Spa in Cauayan, Negros Occidental. From Bacolod City, Cauayan is about four to five hours drive, passing through scenic hills and haciendas along the way. Bukod sa tunog ng hampas ng dagat sa buhangin, wala ka nang ibang maririnig pa. Eto, dito mismo sa duyan na to ka mag-emote! Pag-isipan mo why it didn't work out. Or bakit magulo ang relasyon nyo. Baka kasi ikaw din mismo, magulo. Tsek?

Punta Bulata White Beach Resort and Spa

Bulusan, Sorsogon
Ayaw mong gumastos sa plane ticket dahil mag-eemote ka lang naman pero gusto mo ng lugar na tahimik at kaaya-aya sa paningin. Kung keri mo ang long drive or bus ride, punta ka sa dulo ng Luzon. Tapos tawirin mo ang Luzon to Visayas nang lumalangoy.

Joke!

Ano yan, I will cross the ocean for you, I will go and bring you the moon ang drama mo??? Ekis! Don't be too hard on yourself. For all you know, he's/she's not worth it. Pero seryoso, punta ka sa dulo ng Luzon--sa Sorsogon. Tapos spend a night or two in Bulusan. You may check out the Bulusan Lake if you want. You may go surfing (and meet fab surfers) in the nearby town of Gubat. But best of all, hanapin mo yung Villa Luisa Celeste Resort sa Brgy. Dancalan. Tapos sa tapat nun, may videokehan/resto na may super hot at sarap na Bicol Express tapos pwede ka pa mag-concert all you can hanggang mapatid ang vocal chords mo! This is it, time to shine! Kanta ka ng "what do we mean to each other, am I friend, am I lover, is it over nowwwwww???" Or pwede din namang, I Love You, Goodbye. Choice mo yan.

Sunrise in Dancalan Beach


Vuhus Island, Batanes
At kung ang bet mo talaga ay yung ikaw lang mag-isa sa isang isla, walang iba, as in mga baka lang ang kasama mo, sa Vuhus Island sa Batanes ka pumunta. From Batan, tatawid ka ng dagat sakay ang faluwa (walang katig ito, umayos ka) papuntang Sabtang at from there, mag-tricycle ka papuntang Nakanmuan. Doon, may maliit na faluwa na pwede kang dalhin sa Vuhus Island.

Walang kuryente dito. Walang resort pero pwede ka mag-camping. Baon ka na lang ng pagkain mo. O kung hunger strike ka, e di, wag ka magbaon. Namnamin mo na lang ang nakapagandang view ng sunrise dito. Baka pag-gising mo, naliwanagan ka na. Apir!

Vuhus Island, Batanes

Alibijaban Island, Quezon
Another destination na hindi na kailangan sumakay ng eroplano to mend your broken heart. Pero, it's a long and winding road. Parang pag-momove on mo lang yan--long and winding--pero in the end, may magandang kakahinatnan. Yung iba, bet pumunta dito ng weekday para wala daw tao. Weekend ka pumunta. Malay mo, dito mo mahanap and destiny mo. E 'di wow!

Alibijaban Island, Quezon

Mati, Davao Oriental
Kung hindi mo naman kaya ang magpakalayo-layo o ang mawalan ng basic conveniences habang nagmumuni-muni ka; or gusto mong maging busy sa iyong pagka-castaway sa sarili mo, tara na sa Mati, Davao Oriental! Why? Una, tahimik yung lugar. Pwede ka mag-stay sa dulo ng Dahican Beach para walang gugulo sayo. Kausapin mo ang mga kulisap (o si Pong pagong kung sakaling makasalubong mo sya since isang angkan sila dito) at baka makinig sila sa pangangatwiran mo. Pangalawa, pwede ka mag-surf or magpaturo mag-surf, o maka-meet ng surfer (and you'll live happily ever after, chos!). Pangatlo, try mo sumakay ng ultralight plane. Kahit 15 minutes lang, makakalimutan mo yung panget mong ex, or yung kunsomisyon mong jowa. Kung hindi pa din, tingin ka sa baba at baka sakaling malula ka at bumalik ang ulirat mo at marealize mong "he's just not that into you. Tsek?

Aeriel view of Dahican Beach


Bulalacao, Oriental Mindoro
Kung ayaw mong kausapin ang mga kulisap (or the other way around--ayaw ka na nila kausap kasi ang kulit mo, ulet-ulet ka tapos ayaw mo naman makinig), try mo i-find si Nemo sa Buyayao Island sa Oriental Mindoro. Malayo man, malapit din. Try mo pumunta nang habagat at sigurado akong makakalimutan mo sya habang binabagtas mo ang mga ga-bahay na alon papunta dito. Baka nga pati pangalan mo, makalimutan mo! Sulit naman, kasi mamamangha ka sigurado sa ganda nito. Babala: magsuot lagi ng lifevest at baka makalimutan mong yung ex mo yung marunong lumangoy at hindi ikaw. Namamangka pa nga sya eh, sa dalawang ilog. Pak!

Buyayao Island, Bulalacao, Oriental Mindoro

Maniwaya Island, Marinduque
Sa layo ng biyahe mo para marating ito, malamang, naka-move on ka na pagdating sa Maniwaya Island. Kung hindi pa, sure akong sa Palad Sandbar magaganap ang realisasyong ito, o kung hindi man, malamang sa Ungab Rock Formation. Kung hindi pa din, ammmm...hmmmm...mag-Smirnoff ka na nga lang!

Maniwaya Island, Marinduque


Malcapuya Island, Coron, Palawan
Isa ito sa pinaka-una kong na-explore na virgin beach sa Pilipinas. Pristine. Kalmado. Simple pero maganda. Kamukha ng ipinag-palit nya sayo. Tingin muna sa sarili bago manisi ng iba. Baka naman, it's not you, it's me ang drama mo. Check check din pag may time.

Malcapuya Island, Coron, Palawan

Buntod Reef, Masbate
Pwede mo din bisitahin ang probinsya ng Masbate. Mula Masbate airport, around 15 minutes away lang ang napakagandang Buntod Reef kung saan mabibingi ka sa katahimikan. Pag-isipan mong mabuti ang iyong mga desisyon habang nakikinig sa haplos ng tubig sa pampang. Kung waley pa din, papakain na kita sa pating! Pang-10 na to no! Bisyo na yan!!!

Buntod Reef, Masbate
Sadyang hindi ko isinama ang Sagada bilang nagasgas na sya buhat nang tumabo sa takilya ang pelikulang, That Thing Called Tadhana, na pinagbibidahan ni Angelica Panganiban at JM de Guzman (my loves). Aba naman, lahat na yata gusto mag-moment sa Kiltepan!

Kung sakaling sumikat ang mga lugar na ito at dumugin katulad ng Sagada (oo, assuming ako, che!), wag nyo po sana ako sisihin. Hindi ko po kasalanan na maraming broken-hearted sa mundo. Ang wish ko lang, sana, yung mga broken hearted na gagala, they find their way back home. Naks!



Comments

Post a Comment

Popular Posts